« Home | Polo Ravales » | Hello Mga Bading »

Zozzie Moh

Kasabay ng pag-whistle ng pot ay tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Feeyow. Si Ram pala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman habang hawak ko ang aking bagong phone. Matutuwa ba ako kasi nagtext sa akin si Ram o magagalit kasi siya naman ang dahilan kung bakit kailangan kong bumili ng bagong phone.

Dahan-dahan kong binuhos ang mainit na tubig sa aking favorite na mug na galing pa ng Cagayan de Oro City. Bumubula-bola ang pinaghalong tubig at Great Taste instant coffee. Nawala naman ang antok ko sa aroma ng kape.Alam nyo bang nga three years na akong hindi nagne-Nescafe? Paano ba naman kasi iyong dati naming katulong sa parlor, nanay pala ng isang tibak na taga UP at ang sabi sa amin, bloodied daw ang kapeng nescafe.

"May bladchina itez," mahinang sabi ni Aling Madonna sa amin isang maulan na hapon

"Dugo? Alin? Diyez kohhh!!! Diyez kooooooh!!! Aleng Madona, you babu that from me oohhhh!!!!Ibabuh nyo yan from meeeehhhh!!! Ayyyyy!!! Gaaaadddd!!!," sigaw ng always uber OA na si Morning na naka-tube kahit naman sobrang lamig ng panahon.

"Aling Madonna naman...kung ano-ano naman ang sinasabi eh. Anong bladchina? Kopiko itetz! Mukha lang bladchina! Mahadira ito...Paduguin ko yang ilong mo eh," sabi ko.

"Ang tell ni Welga sa maderow nya and that'z meh na may bahid daw ng dugo ang Nescafe. Beyonce Knowls nyo ba mga badengz ang ibig jubihin ever ng sweatshopey? Well, of curz, wiz nyo ito knowz kazi mga bobetaz naman keyo eh. Dabah!!! Tapos, ang daming unfair labor practices talaga itong Nestle na umeimbento ng Nescafe ever!!! Ang daming kwestyon sa pamamalakad nito at mapang-api daw ito. Ibagsak, sabi ni Welga, ganun! Ang daming tao na raw ang nagbahid ng dugo dito sa pamamagitan ng kanilang pagbubuwis ng life after death neelahhh!!!! Taypoz, tingnan mo nga naman yaang Twenty de Leon na yan, ha..."

"Tweetie!!!" sabayang bigkas namin ni Morning.

"Bakit? ano bang sabi ko? Hayon, hayup sa ganda diba pero sabi ni Welga may-ari daw ng Nestle ang julakis ng model na girlaloh na yan. Avahhh!!! Kaya naman fala mga bazing, zeya ang laging magmomodel-modelan ng Nestle na yan, uh-uh..." sagot ng matanda.

"Trew, Aling Madonna?" tanong ni Morning.

"Kerz noh!" sagot ni Aling Madonna sabay irap sa amin ni Morning sabay dagdag ng "kyez me..."

Simula noon, hindi na ako nag Nescafe. Minsan rin kasi, nadaan ko sa tabi ng daan habang papunta ako ng Quezon City ang isang grupo ng mga manggawa ng Nestle. Nag-picket sila. Isa sa kanila, umakyat sa bus at mabilis na namudmod ng mga pampleta. Nandon ang photo ng isang lalaking apparently wala ng buhay.

I crumpled the paper. Suddenly, naisip ko na parang may katotohanan ang dialogue ni Welga sa kanyang mader. Nanggigilid ang luha ko at para akong nagpapitate. And soI told myself---

"Hi...may nakaupo ba dito?" sabi ng isang boses na husky na parang si Malou Barry.

Tiningnan ko ang may-ari ng boses. Naka pink t-shirt ito ng hapit na hapit sa kanyang katawan. Hindi gym-fit ang lalaki. After several seconds, especially nong nakaupo na siya sa tabi ko, napansin ko na maliit lang pala ang size ng t-shirt nya sa kanyang katawan. Bakat ang dalawang utong nito na parang may mga sariling buhay...alam nyo yong animated na animated at nagsasabing "hi...kami ang mga nipplessssss!!! Kumusta ka na?"

Para akong sinaniban.

"Ok naman ako. Ikaw?" mahinang sabi ko sabay hagilap ng aking powder na kulay pink din.

"What?" tanong ng lalaki sa akin.

"Wala...sabi ko magkasing-colors ang aking pressed powder at ang iyong shirt. Ahmmm...anong size nito?" tanong ko while deliberately pressing the right nipple.

"Medium? Why?" sagot niya.

"Wala bang large size nyan? Bibili sana ako ng isa...Para sayo," sabi ko sabay bawi ng aking kamay from his chest.

Natawa ang lalaki. Sabi niya funny daw ako ang biglang hawak sa left na kamay ko.

"By the way, I am Ram...Ram Gomez. And you are?" pakilala niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Ha? Ahmmm...I'm Zozzie. Zozzie Moh," sagot ko.

"I know you are hungry Zozzie...let's watch movie," sabi nito sa akin habang hindi kumukurap at titig na titig sa aking eyes na para bang nangungusap at nagmamakaawa at nagsusumamo.

"Yes. I am hungry. Sure, let's watch movie," sagot ko.

About me

  • I'm Bakla Sa Banga
  • From
My profile

Links

  • Google
  • Templates
  • Wikipedia
  • las tres estrellas
  • makoy