« Home | Easy Gay » | Zozzie Moh II » | Zozzie Moh » | Polo Ravales » | Hello Mga Bading »

Vogue

Medyo na-late ako ng pasok kanina sa Kagandahan Beauty Salon and Spa. Sobrang traffic kasi kaya ayon, alas nuebe na ng umaga ako nakarating. Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Morning. Sa sobrang laki ng yellow shades nito, mapagkakamalan mo itong stuffed toy na tutubing adik sa kulot na buhok nito. Afro ang drama ng Morning na bumagay naman sa yellow-green-red stipes nitong blouse. Wala itong kaimik-imik. Nakakapagtaka.Nakakapanibago.

Si aling Madonna naman ay busy na sa pag-aayos. Isasama daw siya ni Morning sa isang home service sa La Loma. Pasipol-sipol ang aling Madonna. Blooming ang loka.

"Bago ba ang lipstick mo aling Madonna?" tanong ko. Tumabi na ako ng upo sa sofa kay Morning na wala pa ring kaimik-imik. Hindi rin ito gumagalaw kahit pa man tumatalak ang Swingout Sisters ng kanilang Breakout.

"Hindi no. Ito pa yong bigay mo sa akin nong last year," sagot niya habang tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

"Excuse lang aling Madonna. Hindi ko yon binigay sayo. Hiniram mo kunyari. Tapos, swak na sa bag mo. Palibhasa, klepto ka!" sabi ko.

"Anong klepto? Naisilid ko lang naman sa bag ko yon at tapos nakalimutan ko nang isauli. Wala naman akong intensyong i-keep ito for life no! Saka, bakla, hindi naman ako mahilig sa lipstick ah," sagot niya.

"Asus! Ikaw pa! Eh, yong gwadya dyan sa tabi nating pawnshop...si...ano na nga bang pangalan non?" tanong ko.

"Franco?" sagot nito.

"Tama. Franco. Oh ano? Kakalimutan mo ba si Franco?" tanong ko.

"Akin si Franco!" sabat ni Morning, isang statement na akala mo naman ay talagang kanya nga ang Franco na ito.

"Ha? Magkaribal ba kayo? Ano ba naman yan? Threesome ba ito? Saka aling Madonna naman...alam ba ito ng mga anak mo? Alam ba ito ni Welga?" tanong ko.

"Hindi kami magkaribal! Hindi kami magkaribal Zozzie. Akin lang si Franco. At ikaw, aling Madonna? Please naman, tigilan na ang kalandian. Tingnan mo naman yang katawan mo. Kulubot ka na. At ang hair? Please..." talak ni Morning pero hindi pa rin ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan.

Si aling Madonna naman ay parang walang narinig. Pumunta sa kusina habang niraratrat siya ng lait ni Morning. Ilang segundo lang, bumalik ito at may dala-dala ng isang tasa ng kape para sa akin. Sa kabilang kamay naman nito ay isang baso ng malamig at may yelong tubig.

Si Morning naman ay tuloy pa rin sa kanyang tila walang katapusang panlalait sa matanda. Na kesyo tuyot na raw ito. Na kesyo wala na raw itong asim. Na kesyo wala naman daw itong pera para buhayin si Franco at di tulad niya na kayang tustusan pati ang mga magulang at kapatid ni Franco. Na kung tutuusin ay hindi naman daw talaga kailangan pa ni Franco na magtrabaho kasi kaya na nga niyang sustentohan ito.

"Talaga?" maikling sagot ni aling Madonna.

"Bakit parang ayaw mong maniwala ha? Baka pati ikaw at mga anak mo, isama mo na rin yang tibo mong anak na si Welga na yan, ay tustusan ko na rin ha! Aling Madonna naman...hindi ka mahal ni Franco! Ako ang mahal niya!" todo bigay na sabi ni Morning na parang kinukombinse ang kanyang sarili kaysa sa kinukumbinse si aling Madonna.

"Talaga?" tanging sagot ng matanda.

"Oo!" sigaw ni aling Madonna.

"Ok. Tutal sabi mo matanda na nga ako, makinig ka sa akin bata ka ha? Ito...diba sabi mo marami kang pera?" tanong ni aling Madonna kay Morning na nagtanggal na ng kanyang yellow shade only to expose his sagging eyebags na halos humalo na sa kanyang sagging cheeks.

"Oo! Marami akong pera aling Madonna! At bakit?" sarcastic na sagot ni Morning kay aling Madonna na noon ay kinuha ang tasa ng kape na hawak ko.

"Ok. Ganito. Bago ang lahat, inumin mo muna itong kape para kahit kaunte ay nerbyosin ka naman. At ang pera mo? Gamitin mo ang pera mo para ipa-lipo yang eyebags mong kasing laki na ng mukha mo! Tang-ina mong bakla ka! Gago ka! Pakyu!!! Pakyu!!!" sigaw ni aling Madonna.

Natameme si Morning. Ako ay napanganga. Gusto kong pumalakpak. Hiningal si aling Madonna. Binalik niya sa akin aking kape at ininom nya ang malamig na tubig. Ilang saglit lang ay nag-ayos ayos uli ito. Parang walang nangyari. Sumipol-sipol ito. Sinabayan ang kanyang katokayong si Madonna na noon ay tumatalak ng Vogue.

i'm sorry but this is totally unrelated to your post.

i just want to say that something about your comment in las estrellas' blog, the one about the french short film, stirred something inside me. what you said was a bulls-eye.

good day.

Post a Comment

About me

  • I'm Bakla Sa Banga
  • From
My profile

Links

  • Google
  • Templates
  • Wikipedia
  • las tres estrellas
  • makoy