Thursday, May 31, 2007

Zozzie Moh

Kasabay ng pag-whistle ng pot ay tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Feeyow. Si Ram pala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman habang hawak ko ang aking bagong phone. Matutuwa ba ako kasi nagtext sa akin si Ram o magagalit kasi siya naman ang dahilan kung bakit kailangan kong bumili ng bagong phone.

Dahan-dahan kong binuhos ang mainit na tubig sa aking favorite na mug na galing pa ng Cagayan de Oro City. Bumubula-bola ang pinaghalong tubig at Great Taste instant coffee. Nawala naman ang antok ko sa aroma ng kape.Alam nyo bang nga three years na akong hindi nagne-Nescafe? Paano ba naman kasi iyong dati naming katulong sa parlor, nanay pala ng isang tibak na taga UP at ang sabi sa amin, bloodied daw ang kapeng nescafe.

"May bladchina itez," mahinang sabi ni Aling Madonna sa amin isang maulan na hapon

"Dugo? Alin? Diyez kohhh!!! Diyez kooooooh!!! Aleng Madona, you babu that from me oohhhh!!!!Ibabuh nyo yan from meeeehhhh!!! Ayyyyy!!! Gaaaadddd!!!," sigaw ng always uber OA na si Morning na naka-tube kahit naman sobrang lamig ng panahon.

"Aling Madonna naman...kung ano-ano naman ang sinasabi eh. Anong bladchina? Kopiko itetz! Mukha lang bladchina! Mahadira ito...Paduguin ko yang ilong mo eh," sabi ko.

"Ang tell ni Welga sa maderow nya and that'z meh na may bahid daw ng dugo ang Nescafe. Beyonce Knowls nyo ba mga badengz ang ibig jubihin ever ng sweatshopey? Well, of curz, wiz nyo ito knowz kazi mga bobetaz naman keyo eh. Dabah!!! Tapos, ang daming unfair labor practices talaga itong Nestle na umeimbento ng Nescafe ever!!! Ang daming kwestyon sa pamamalakad nito at mapang-api daw ito. Ibagsak, sabi ni Welga, ganun! Ang daming tao na raw ang nagbahid ng dugo dito sa pamamagitan ng kanilang pagbubuwis ng life after death neelahhh!!!! Taypoz, tingnan mo nga naman yaang Twenty de Leon na yan, ha..."

"Tweetie!!!" sabayang bigkas namin ni Morning.

"Bakit? ano bang sabi ko? Hayon, hayup sa ganda diba pero sabi ni Welga may-ari daw ng Nestle ang julakis ng model na girlaloh na yan. Avahhh!!! Kaya naman fala mga bazing, zeya ang laging magmomodel-modelan ng Nestle na yan, uh-uh..." sagot ng matanda.

"Trew, Aling Madonna?" tanong ni Morning.

"Kerz noh!" sagot ni Aling Madonna sabay irap sa amin ni Morning sabay dagdag ng "kyez me..."

Simula noon, hindi na ako nag Nescafe. Minsan rin kasi, nadaan ko sa tabi ng daan habang papunta ako ng Quezon City ang isang grupo ng mga manggawa ng Nestle. Nag-picket sila. Isa sa kanila, umakyat sa bus at mabilis na namudmod ng mga pampleta. Nandon ang photo ng isang lalaking apparently wala ng buhay.

I crumpled the paper. Suddenly, naisip ko na parang may katotohanan ang dialogue ni Welga sa kanyang mader. Nanggigilid ang luha ko at para akong nagpapitate. And soI told myself---

"Hi...may nakaupo ba dito?" sabi ng isang boses na husky na parang si Malou Barry.

Tiningnan ko ang may-ari ng boses. Naka pink t-shirt ito ng hapit na hapit sa kanyang katawan. Hindi gym-fit ang lalaki. After several seconds, especially nong nakaupo na siya sa tabi ko, napansin ko na maliit lang pala ang size ng t-shirt nya sa kanyang katawan. Bakat ang dalawang utong nito na parang may mga sariling buhay...alam nyo yong animated na animated at nagsasabing "hi...kami ang mga nipplessssss!!! Kumusta ka na?"

Para akong sinaniban.

"Ok naman ako. Ikaw?" mahinang sabi ko sabay hagilap ng aking powder na kulay pink din.

"What?" tanong ng lalaki sa akin.

"Wala...sabi ko magkasing-colors ang aking pressed powder at ang iyong shirt. Ahmmm...anong size nito?" tanong ko while deliberately pressing the right nipple.

"Medium? Why?" sagot niya.

"Wala bang large size nyan? Bibili sana ako ng isa...Para sayo," sabi ko sabay bawi ng aking kamay from his chest.

Natawa ang lalaki. Sabi niya funny daw ako ang biglang hawak sa left na kamay ko.

"By the way, I am Ram...Ram Gomez. And you are?" pakilala niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Ha? Ahmmm...I'm Zozzie. Zozzie Moh," sagot ko.

"I know you are hungry Zozzie...let's watch movie," sabi nito sa akin habang hindi kumukurap at titig na titig sa aking eyes na para bang nangungusap at nagmamakaawa at nagsusumamo.

"Yes. I am hungry. Sure, let's watch movie," sagot ko.

Monday, May 28, 2007

Polo Ravales

Maaga akong gumising. Five-thirty pa lang ng umaga, up na ako. Aba, mukhang hindi na naman nakauwi si Feeyona. Check ko ang room nya, walang laman ang kabaong ng gagah! At saan na naman kaya inumaga ang powtah?

Kahapon, halos hindi rin kami nagkita ni Feeyow, palayaw ko sa kanya. Sabi niya later sa akin sa text ay nagkayayaan na naman sila ng kanyang mga classmates. Aba! Mukhang sunod-sunod na ito ha. Hindi ako confident doon sa mga classmates na baklang Feeyow na ito ha. Emo ang emote ng mga lukring. Ang mga bading, ha--ang laking mga bading---ang daming tattoo sa katawan!

Believe me! Saka ang earings na yan ha na nakalagay sa ilong at sa pilik-matah! Kulang na lang yata at magpalagay na rin ng hikaw sa kanilang eyeballs mismo o di kaya ay sa ngala-ngala. Minsan nga, nang dumaan sila sa apartment at tiyempong nandoon naman ang aming landlady, may I statement ang butanding na si Mizzaz Elizz ng: "Hindi kayo mahilig sa alahas mga bakla!"

Medyo feeling ko something is wrong about Feeyow. Putek! Ako ang mananagot nito sa kanyang ferents pag naging adik ang kanilang anak at sa munti na pulutin. Biruin mo ba naman ha na minsan, habang nanunuod ako ng TV Patrol World at nag-ulat ng police blotter ang butanding din na si Donald Castro, ay parang nakita ko sa news ang gagang Feeyow. Feeling ko talaga siya yon.

Why? Itanong nyo sa akin why?

(Silence. Syempre kasi wala namang nagbabasa ng blog na ito noh! Gagah!)

Sige na nga. Heytwo. Kasi nong umagang yon, naunang umalis ang Feeyow. Ang paalam ay magsisimba. Aba! Syempre hindi ako naniniwala na magsisimba ang bading kasi ba naman ay nakasuot lang ito ng bra na maitim na sobrang ill-fitting naman talaga mga ning. Ewan ko ba kung saan niya nakuha ang bra na yon na ang sabi sa akin ay nahalo daw yata sa mga labada namin.

Hayon! Nag-bra nga ang gaga. Nagsalaksak ng panyo sa dibdib para maging firm ang bra. In fernalow, makinis si Feeyow. Parang girl ang kutis. Parang hindi nga ito taga-provinze sa kinis ng kanyang kutis eh.

At ito pa. Bukod sa bra, naka-pek-pek shorts rin ito na black. Pekpek na kala mo naman ay may pekpek ito. Ponyetang bata! And, naka-boots. Pang-majorette ba pero kulay itim pa rin. Hinanap ang feathers sa boots pero di ko makita. Nasa leeg ni Feeyow. Itinali nito ang kanyang hair. Pony-tail. At nagsuot ng itim na belo. Maganda ang effect. Parang madre na liberated.

Bago ito umalis nong umagang yon, humingi ng P5. Nagtanong ako syempre. Ang sagot sa akin: "I will buy rugby."

Gusto ko siyang pigilang umalis. Pero natameme ako. Nawalan na ako ng chance na magtanong. Hindi ko na mababawi ang P5. Para akong nagkaroon ng guilt feelings. Parang nalungkot ako. Parang natakot. Ang bata pa ni Feeyow. May future pa ito. Gusto kong itanong sa kanya kung nagrurugby ba siya? Ang cheap naman kung totoo. Rugby? Paksyet!

Nong gabing yon, parang napanuod ko nga sa police report si Feeyow. Duda ko siya pero ayaw kilalanin sa report eh kasi nga age of a minor pa siya. Minor-de-edad ba.

Malaki ang duda ko. That bra. That pekpek shorts. That boots. That veil. That smoke cellophane apparently containing something like ahmmm....rugby. And that face...it really looked like Feeyow. That fair skin that made her look like an apparition of Mary the Virgin dancing in the midday sun in the Jodel-Nieva-Scam.

Those feet. Walking slowly, albeit not carefully stepping, on the traversing bars of a Polo Ravales billboard along Edsa.

Then I realized, altophobic ako. I passed-out.

Saturday, May 26, 2007

Hello Mga Bading

Hello mga bading. Testing na muna ito mga sister ha. 9:30 na ng gabi at hellow na ako sa dami ng customers kanina sa parlor. Hindi naman talaga ako na-wind doon sa mga customers kasi debbie givsong naman ang dramatis ng mga butanding na talaga namang nakakawala ng pagod.

Suks na mga vaks!

Ganun naman talaga diba? Konteng abot lang ng dutch sa atin, napapawi na agad ang pagal ng ating katawan. Talagang ganun? Pagal?

Well, ang sinasabi ko nga ay wagi tayo pag na-appreciate nila ang ating drama sa kanila. Appreciated yong majeka negra natin sa kanilang mga gandang kumupas na.

Kanina nga ay schedule ni Miss D Lopez. Aba, syempre, kanda-ugaga ang mga girls sa parlor kasi nga number one and most valued customer si Miss D. Major operation syempre ang treatment sa bruhey. Hay kaloka talaga ang drama nitong claimant ng apelyedong Lopez. Daming chismis na nalalaman na buhay kuno ng mga Lopez na yan. Sa tono ng kanyang pananalita, sosyal naman itong si Miss D talaga, pero mukhang may hint of bitterness ang kanyang mga binibitawang mga chuvahlo hinggil sa mga Lopez.

Na kesyo nga raw, may isang Lopez na bading na denial noon pa man samantalang alam naman ng buong mundo na bading nga ang Lopez na ito. Pati nga raw parents ng Lopez na ito ay ayaw tanggapin na badingey ang kanilang tateng kaya naman daw ay talagang nagkrisis ang ubing na kawawa.

"Talaga? Sinwo ito, Miss D?" tanong ko habang wash ako ng kanyang hair at shampoo-shampoo kunwari.

"Huwag mo masyadong ilapit ang mukha mo sa mukha ko kasi bad breath ka pala," sagot ni Miss D.

Napahinto ako ng saglit. Itinaas ko ang aking right arm at hiningahan ko ito. Punyetang Miss D ito. Hindi naman ah. Syempre imbey ako. Hindi na ako nagsalita.

"Joke lang Suzzi...ano ka ba naman. Hindi ka pa ba nasanay sa akin...sige, pwede mo nang ilapit uli ang face mo sa face ko. Teka, hindi ka ba nagtatawas o deodorant man lang?" hirit ng putang Miss D.

"Ano ba naman yan Miss D! Hindi naman ako mabaho ah!" sabi ko habang nagdadabog.

"Joke lang neng. Don't worry, malaki tip mo mamaya," sabi nito habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Kaya ang ginawa ko, imbis na dagdagan ko pa ang shampoo ng butanding, detergent soap na ang ininudnod ko sa kanyang deminishing at dead na dead na hair.

"Ganon po ba? Wow naman. Thank you Miss D ha. Kailangan ko pa naman talaga ng money ngayon. Alam mo na...patapos na ang summer classes. Kailangan na naman ni Tart ng pang-tuition para sa susunod na pasukan," sabi ko.

"Sino si Tart? Kapatid mo?" tanong niya.

"Hindi po! Boyfriend ko po!" sagot ko.

"Boyfriend? Eh, lalaki ka rin eh! Gago to! Are you Gay?" hirit ni Miss D.

"Miss D naman eh!" sagot ko.

"Hindi nga? Akala ko kasi lalaki ka. Bakla ka palang gago ka! Eh, kaya nga sayo ako nagpapagawa kasi akala ko lalaki kang hayup ka!" sabi niya.

"Ano? Hay! Ewan ko sayo madam. Anyway, sino na nga ba yong bading na Lopez na sabi nyo?" tanong ko.

"Eh sino pa nga ba? Eh, di si LA Lopez! Ulol! Bakit, sino sa palagay mo? Si Gina? Eh, mukha lang bakla yon!" talak ni Miss D.

About me

  • I'm Bakla Sa Banga
  • From
My profile

Links

  • Google
  • Templates
  • Wikipedia
  • las tres estrellas
  • makoy