« Home | Breaking News » | Vogue » | Easy Gay » | Zozzie Moh II » | Zozzie Moh » | Polo Ravales » | Hello Mga Bading »

Balingoyngoy

Dumaloy ang dugo mula sa ilong ni Morning. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Basta dugo, emergency lagi para sa akin. Feeling ko, basta dugo laging may mamamatay. Sumigaw na ako sa paghingi ng tulong kay aling Madonna na nooy ay nasa banyo.

"Hay nako naman, oo. Balingoyngoy lang yan. Minsan, palatandaan yan ng isang karamdaman. Minsan naman, dala yan ng mainit na panahon. Mainit kasi ang ulo mo eh," kalmang sabi ni aling Madonna habang pinupunasan ng tissue paper ang ilong ni Morning. "Maya-maya lang ay titigil na ang pagdaloy ng dugo. Humiga ka kaya? Ay! Magtaas-noo ka na lang. Diba yan naman ang lagi paborito mong gawin? Magtaas-noohan na akala mo maganda ka?"

Walang imik si Morning. Nagtaas noo naman ito. May kasamang ismid. Si aling Madonna naman ay bumalik sa banyo. Naisip ko ang sinabi ng matanda: May sakit kaya si Morning? Kung mayron man, ano kaya ito? Nitong mga nakaraang araw, iba ang mga kinikilos ng bading na ito. Isa kaya ito sa mga palatandaan? Mamamatay na kaya si Morning? Ano kaya ang hitsura ng isang baklang mataba pag nasa kabaong na? Ano kaya ang kulay ng kanyang damit? Pink? Maglalamay kaya ako? Pag maglalamay ako, ibig sabihin pupunta ako ng Siquijor? May mga gwapo kaya doon na mahahada? Diba nakakatakot ang Siquijor? Nako, ano kaya ang hitsura ni Morning kapag naaagnas na siya at nilalantakan na ng mga bulate? Mag-eenjoy tiyak ang mga worms sa kanya kasi perfect ang meal nila eh.

Pinutol ni Morning ang aking pag-iisip.

"Bakla, huwag mo munang isipin kung anong magiging mukha ko habang pinagpipeyestahan ako ng mga bulate. Hindi pa ako mamamatay. Matagal pa akong mamatay. Yes, pagna-dead na ako ay pupunta ka sa Siquijor kasi doon ako magpapalibing. Syempre, bahala ka na kung hahada ka doon...diskarte mo na yan. At yes, gusto ko ng pink na damit. Pink ang motiff. Pati kabaong ko ay pink. Ang mga utew, hindi pwedeng maglamay kung di magsusuot ng pink. Pink lahat. Strict ka dapat bilang event organizer," walang kakurap-kurap na sabi ni Morning.

Natigilan ako. Tumayo ako at binuksan ang aircon. Ramdam ko ang init. Pinagpawisan ako. Naisip ko: Ako? Event organizer ng isang lamay? May event organizer ba ang patay-patay na ito?

"Oo! Ikaw ang event organizer. Sa lamay, dapat mga half-naked hunks ang mamumudmod ng finger foods. Parang mga waiters sa isang intimate party. Gusto ko na ang lamay ko ay parang intimate event. May isasabit na mga paintings sa walls at origami birds of different colors, pero mostly pink syempre," sabi ni Morning ng walang kakurap-kurap. "Ayaw ko ng requiem mass na yan at kung ano-anong services ha. Gusto ko ay party. Booze. Boys...lahat. Syempre dapat grand ang aking parade. Dapat lalabas na parang parade of nations ng Miss U ang aking parada. Tanda mo pa ba nong dito sa Manila hineld ang Miss U? Yong time ni Charlene?"

"1994?" maikling sagot ko habang nakaharap sa nakahigang si Morning sa sofa na sa tingin ko ay mawawasak na sa bigat ng bading.

"Uh-uh...gusto ko yong theme song nila...Mabuhay...Mabuhay! Diba, parang hindi ako patay?" sabi ni Morning.

Naisip ko: Naloloka na si Morning. Nose-bleeding ba ang isa sa mga palatandaan kapag nawawala na sa kanyang katinuan ang isang bakla?

"Hindi ako nababaliw bading..." mahinang sabi nito sa akin habang nakatitig sa aking eyes.

"Bakit parang alam mo ang iniisip ko?" tanong ko sa kanya habang kunot ang aking nuo at nagulumihanan.

"Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko," sagot nito habang dumadaloy na naman ang dugo sa kanyang ilong.

Hala,baka totoo ang misteryo ng Siquijor!

Post a Comment

About me

  • I'm Bakla Sa Banga
  • From
My profile

Links

  • Google
  • Templates
  • Wikipedia
  • las tres estrellas
  • makoy