Wednesday, June 20, 2007

Balingoyngoy

Dumaloy ang dugo mula sa ilong ni Morning. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Basta dugo, emergency lagi para sa akin. Feeling ko, basta dugo laging may mamamatay. Sumigaw na ako sa paghingi ng tulong kay aling Madonna na nooy ay nasa banyo.

"Hay nako naman, oo. Balingoyngoy lang yan. Minsan, palatandaan yan ng isang karamdaman. Minsan naman, dala yan ng mainit na panahon. Mainit kasi ang ulo mo eh," kalmang sabi ni aling Madonna habang pinupunasan ng tissue paper ang ilong ni Morning. "Maya-maya lang ay titigil na ang pagdaloy ng dugo. Humiga ka kaya? Ay! Magtaas-noo ka na lang. Diba yan naman ang lagi paborito mong gawin? Magtaas-noohan na akala mo maganda ka?"

Walang imik si Morning. Nagtaas noo naman ito. May kasamang ismid. Si aling Madonna naman ay bumalik sa banyo. Naisip ko ang sinabi ng matanda: May sakit kaya si Morning? Kung mayron man, ano kaya ito? Nitong mga nakaraang araw, iba ang mga kinikilos ng bading na ito. Isa kaya ito sa mga palatandaan? Mamamatay na kaya si Morning? Ano kaya ang hitsura ng isang baklang mataba pag nasa kabaong na? Ano kaya ang kulay ng kanyang damit? Pink? Maglalamay kaya ako? Pag maglalamay ako, ibig sabihin pupunta ako ng Siquijor? May mga gwapo kaya doon na mahahada? Diba nakakatakot ang Siquijor? Nako, ano kaya ang hitsura ni Morning kapag naaagnas na siya at nilalantakan na ng mga bulate? Mag-eenjoy tiyak ang mga worms sa kanya kasi perfect ang meal nila eh.

Pinutol ni Morning ang aking pag-iisip.

"Bakla, huwag mo munang isipin kung anong magiging mukha ko habang pinagpipeyestahan ako ng mga bulate. Hindi pa ako mamamatay. Matagal pa akong mamatay. Yes, pagna-dead na ako ay pupunta ka sa Siquijor kasi doon ako magpapalibing. Syempre, bahala ka na kung hahada ka doon...diskarte mo na yan. At yes, gusto ko ng pink na damit. Pink ang motiff. Pati kabaong ko ay pink. Ang mga utew, hindi pwedeng maglamay kung di magsusuot ng pink. Pink lahat. Strict ka dapat bilang event organizer," walang kakurap-kurap na sabi ni Morning.

Natigilan ako. Tumayo ako at binuksan ang aircon. Ramdam ko ang init. Pinagpawisan ako. Naisip ko: Ako? Event organizer ng isang lamay? May event organizer ba ang patay-patay na ito?

"Oo! Ikaw ang event organizer. Sa lamay, dapat mga half-naked hunks ang mamumudmod ng finger foods. Parang mga waiters sa isang intimate party. Gusto ko na ang lamay ko ay parang intimate event. May isasabit na mga paintings sa walls at origami birds of different colors, pero mostly pink syempre," sabi ni Morning ng walang kakurap-kurap. "Ayaw ko ng requiem mass na yan at kung ano-anong services ha. Gusto ko ay party. Booze. Boys...lahat. Syempre dapat grand ang aking parade. Dapat lalabas na parang parade of nations ng Miss U ang aking parada. Tanda mo pa ba nong dito sa Manila hineld ang Miss U? Yong time ni Charlene?"

"1994?" maikling sagot ko habang nakaharap sa nakahigang si Morning sa sofa na sa tingin ko ay mawawasak na sa bigat ng bading.

"Uh-uh...gusto ko yong theme song nila...Mabuhay...Mabuhay! Diba, parang hindi ako patay?" sabi ni Morning.

Naisip ko: Naloloka na si Morning. Nose-bleeding ba ang isa sa mga palatandaan kapag nawawala na sa kanyang katinuan ang isang bakla?

"Hindi ako nababaliw bading..." mahinang sabi nito sa akin habang nakatitig sa aking eyes.

"Bakit parang alam mo ang iniisip ko?" tanong ko sa kanya habang kunot ang aking nuo at nagulumihanan.

"Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko," sagot nito habang dumadaloy na naman ang dugo sa kanyang ilong.

Monday, June 18, 2007

Breaking News

Limang taon na kaming magkasama ni Morning. Taga-Visayas ito. Ayaw nitong sabihin kung saan partikular sa Visayas ang kanila pero nang minsan, aksidente kong nabuksan ang kanyang locker at doon ko nalaman na mula pala sa Siquijor ang gagah.

Sa limang taon naming magkakilala, hindi man ni minsan niya binanggit ang kanyang probinsiya. Kung ano ang buhay sa kanila. Kung may mga magulang pa ba ito. Mga kapatid. Kung talagang pinanganak nga ba ito. At duda nga ako kung talagang may mga magulang nga ba ang baklang ito eh.

Tingin ko, mas importante kay Morning ang buhay niya ngayon. Marahil mali ako pero tingin ko may may tinatakasan ang bruhah. Kung ano man yon, hindi ko na ito pinilit pang malaman. Maliban sa kanyang kabaitan, wala naman akong problema kay Morning. Minsan lang, especially recently, kakaiba ang drama ng bading. Parang weird ba na ewan.

Itinuring ko nang pamilya si Morning. Nagkakaintindihan na kami sa kawalan ng mga salitang lumalabas sa aming kadalasang ratatat na mga vungagah. Pakiramdaman lang, ok na. May mga bagay akong ayaw pag-usapan. Ganun din siya. Hindi yon dahil hindi namin pinagkakatiwalaan ang isa't isa pero sadyang may mga bagay na hindi pa kami handang ibukas, no matter how we both know na maiintindihan naman namin ang isa't isa kung ano man yong mga ikinukubli namin.

Mabuting kaibigan si Morning. Minsan lang, nawawala ito sa kanyang katinuan kung lalaki ang pinag-uusapan. Ganon ba talaga ang mga bakla? Lalaki lang ang katapat?

Isa itong tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot at pilit na hinuhulma sa pagkatao ni Morning oras na bumabalik na siya sa kanyang katinuan. Pero, ang pagbalik niya sa kanyang katinuan ay isang napakabagal na proseso na sa kabagalan nito ay parang humihinto na ang lahat. Pati ang buhay ko.

Kaya nang nakita kong nakaupo lamang si Morning sa sofa ng walang imik (initially ha kasi naman inaway niya ang gurang gutan na si aling Madonna later eh), naka-afro effect, naka-yellow shades, at halos hindi gumagalaw maliban sa kanyang matatambok na mga pisngi, alam ko na agad na something was wrong with Morning.

Sabi ko nga, humihinto ang lahat kapag nagmo-moment si Morning. Paralyzed. Alam ko na agad na hindi matutuloy ang kanilang home service kaya inutusan ko na lamang si aling Madonna na tawagan si aming kleyente sa La Loma na hindi matutuloy ang operation ngayon.

Gusto ko sanang kausapin si Morning pero alam ko namang walang mangyayari eh kaya I dropped my desire to act as her big sister (big na lang kahit pa man siya ang di hamak na big kompara sa akin no!). Hinayaan ko na lang siya kaysa naman maging sponge o magnet pa ako at ma-suck ko lahat ang kanyang negative energies.

Matapos ko siyang bigyan ng orange na panyo para punasan niya ang kanyang luha, tumayo ako at nag-pretend na walang nangyari. Nagbukas ako ng Telebisyon. INC. News. May bombang sumabog sa Mindanao. Sa Davao del Sur. Sa bayan na kung tawagin ay Bansalan. Walo ang patay. Kasama na ang konduktor at driber ng bus. Sa Cotabato City ay isa pang bus ang sumabog. Ang daming dugo. Ang daming umiiyak.

Naglalaro ang mga imahe at ideya sa utak ko habang glued ako sa balita. Sheet!!! Nakakatakot naman. Ano ba naman yang mga bomber na yan. Bakit naman pati walang mga malay ay idadamay pa nila! Paano na lang ang ekonomiya ng bansa? Paano na lang ang peace process sa pagitang gobyerno at mga rebelde? Gyera na ba? Magsasara na ba ang parlor ko? Paano na si papa Piolo? Si Papa Sam? Si Papa Tim Tayag? Si Papa Coco Martin? Si Richard Gomez? Si Senator Trillanes? Sheet!! Ang gwapo pa naman ni Tony (Tony? Close?). Parang ang sarap pa naman niya. Bet ko talaga siya. Ano kaya churah nito pag nakahuvad?

Biglang naputol ang aking imahinasyon ng biglang nagsalita si Morning sa aking likuran. May ibang punto ito. Iba ang dating. Iba ang diin. Parang galit. Parang takot. Parang may halong kaba.

At ang boses nito parang kakaiba. Parang may halong lalaki na hindi ko eksaktong mawari.

"Nakita ko na sa yan kagabi...sa aking dream!!!" sabi ni Morning habang halos lumuwa ang mata nito na nakatitig sa TV, bakas ang takot sa kanyang mukhang matambok.

Wednesday, June 13, 2007

Vogue

Medyo na-late ako ng pasok kanina sa Kagandahan Beauty Salon and Spa. Sobrang traffic kasi kaya ayon, alas nuebe na ng umaga ako nakarating. Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Morning. Sa sobrang laki ng yellow shades nito, mapagkakamalan mo itong stuffed toy na tutubing adik sa kulot na buhok nito. Afro ang drama ng Morning na bumagay naman sa yellow-green-red stipes nitong blouse. Wala itong kaimik-imik. Nakakapagtaka.Nakakapanibago.

Si aling Madonna naman ay busy na sa pag-aayos. Isasama daw siya ni Morning sa isang home service sa La Loma. Pasipol-sipol ang aling Madonna. Blooming ang loka.

"Bago ba ang lipstick mo aling Madonna?" tanong ko. Tumabi na ako ng upo sa sofa kay Morning na wala pa ring kaimik-imik. Hindi rin ito gumagalaw kahit pa man tumatalak ang Swingout Sisters ng kanilang Breakout.

"Hindi no. Ito pa yong bigay mo sa akin nong last year," sagot niya habang tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

"Excuse lang aling Madonna. Hindi ko yon binigay sayo. Hiniram mo kunyari. Tapos, swak na sa bag mo. Palibhasa, klepto ka!" sabi ko.

"Anong klepto? Naisilid ko lang naman sa bag ko yon at tapos nakalimutan ko nang isauli. Wala naman akong intensyong i-keep ito for life no! Saka, bakla, hindi naman ako mahilig sa lipstick ah," sagot niya.

"Asus! Ikaw pa! Eh, yong gwadya dyan sa tabi nating pawnshop...si...ano na nga bang pangalan non?" tanong ko.

"Franco?" sagot nito.

"Tama. Franco. Oh ano? Kakalimutan mo ba si Franco?" tanong ko.

"Akin si Franco!" sabat ni Morning, isang statement na akala mo naman ay talagang kanya nga ang Franco na ito.

"Ha? Magkaribal ba kayo? Ano ba naman yan? Threesome ba ito? Saka aling Madonna naman...alam ba ito ng mga anak mo? Alam ba ito ni Welga?" tanong ko.

"Hindi kami magkaribal! Hindi kami magkaribal Zozzie. Akin lang si Franco. At ikaw, aling Madonna? Please naman, tigilan na ang kalandian. Tingnan mo naman yang katawan mo. Kulubot ka na. At ang hair? Please..." talak ni Morning pero hindi pa rin ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan.

Si aling Madonna naman ay parang walang narinig. Pumunta sa kusina habang niraratrat siya ng lait ni Morning. Ilang segundo lang, bumalik ito at may dala-dala ng isang tasa ng kape para sa akin. Sa kabilang kamay naman nito ay isang baso ng malamig at may yelong tubig.

Si Morning naman ay tuloy pa rin sa kanyang tila walang katapusang panlalait sa matanda. Na kesyo tuyot na raw ito. Na kesyo wala na raw itong asim. Na kesyo wala naman daw itong pera para buhayin si Franco at di tulad niya na kayang tustusan pati ang mga magulang at kapatid ni Franco. Na kung tutuusin ay hindi naman daw talaga kailangan pa ni Franco na magtrabaho kasi kaya na nga niyang sustentohan ito.

"Talaga?" maikling sagot ni aling Madonna.

"Bakit parang ayaw mong maniwala ha? Baka pati ikaw at mga anak mo, isama mo na rin yang tibo mong anak na si Welga na yan, ay tustusan ko na rin ha! Aling Madonna naman...hindi ka mahal ni Franco! Ako ang mahal niya!" todo bigay na sabi ni Morning na parang kinukombinse ang kanyang sarili kaysa sa kinukumbinse si aling Madonna.

"Talaga?" tanging sagot ng matanda.

"Oo!" sigaw ni aling Madonna.

"Ok. Tutal sabi mo matanda na nga ako, makinig ka sa akin bata ka ha? Ito...diba sabi mo marami kang pera?" tanong ni aling Madonna kay Morning na nagtanggal na ng kanyang yellow shade only to expose his sagging eyebags na halos humalo na sa kanyang sagging cheeks.

"Oo! Marami akong pera aling Madonna! At bakit?" sarcastic na sagot ni Morning kay aling Madonna na noon ay kinuha ang tasa ng kape na hawak ko.

"Ok. Ganito. Bago ang lahat, inumin mo muna itong kape para kahit kaunte ay nerbyosin ka naman. At ang pera mo? Gamitin mo ang pera mo para ipa-lipo yang eyebags mong kasing laki na ng mukha mo! Tang-ina mong bakla ka! Gago ka! Pakyu!!! Pakyu!!!" sigaw ni aling Madonna.

Natameme si Morning. Ako ay napanganga. Gusto kong pumalakpak. Hiningal si aling Madonna. Binalik niya sa akin aking kape at ininom nya ang malamig na tubig. Ilang saglit lang ay nag-ayos ayos uli ito. Parang walang nangyari. Sumipol-sipol ito. Sinabayan ang kanyang katokayong si Madonna na noon ay tumatalak ng Vogue.

Tuesday, June 12, 2007

Easy Gay

Gusto kong mag-imbento ng pangalan. Gusto kong sabihin sa lalaking ito na ako si Madama Auring. Na ako talaga si Aubrey. Mahal. Maui. Asunta. Pricilla. Gloria Macapagal-Arroyo. Sarah Geronimo.

Na ako si Gretchen. Na ako si Dolly Anne. Na ako si Annabel. Na ako si Rey Pumaloy. Na ako si Raymond Gutierez. Na ako si Sam Milby. Na ako si Zozzie Moh at siya'y isang malaking gago!

Halos hindi ako makagalaw nong oras na yon. Sa totoo lang, nainsulto ako. Limang daang piso't mahigit na ang nalustay ko sayo putang-ina mo ni hindi mo lang man matandaan ang pangalan ko. Gago ka!

Nangingilid na ang mga luha ko. Pigil-pigil lamang ako. Inisip ko na lang ang birthday ko 16 birthday ko na nirigalohan ako ng pinsan kong Japayuki ng macho dancer. Binalot pa niya ito. Naiyak ako non kasi naisip ko agad na matatapos na ang pagiging virgin ko. Pero kung naiyak ako non ay dahil yon sa saya. Kung maiiyak man ako dito sa ngayon ay dahil makakapatay ako ng tao.

"Of course you are Zoz. Zozzie right?" sabi niya habang pangiti-ngiti. "Akala mo siguro makakalimutan ko name mo ano? Of course hindi."

Sinasabi niya yon habang nakatingin sa shirt ko. Of course no! Naka-emroider kaya ang pangalan ko sa aking shirt.

Pero syempre, maganda ako. Hindi dapat magpahalatang affected failon ang beauty ko. After all, alam kong maraming nakatingin sa amin. Gold yata ang aking escort. Ass in feeling ko jackpot ako sa kanya kaya nang hawakan niya ang aking hand papuntang popcorn station, hindi na ako nag-emote. Well, nag-emote ako. Emote ng isang beauty queen.

"You have a place?" tanong ni Ramon habang ang nasasaksihan ng bidang girl ang kanyang friend na hinihiwa ng isang patho na doctor.

"Ah...yes. Why?" bulong ko sa kanya.

"Don't go too near me. Nakikiliti ako eh," sabi niya.

"Mabuti kung ganon," bulong ko sa kanya sabay lapat ng aking lips sa lobe ng kanyang right ear.

"What do you have in mind?" tanong niya uli.

"Ikaw? Tell me, anong iniisip mo right now?" sagot ko.

"Can I sleep over at your house? I don't have a place to go to tonight eh. I lost my keys and my brother is out of town," sabi niya.

"Malimit ka palang nawawalan ng mga bagay-bagay. Tell me, bukod sa wala kang matulugan tonight, why would you want to go to my place?" tanong ko.

Walang kagatol-gatol, sinabi niya: "I am so horny tonight. I want a release."

Ngumiti ako. Hinipo ko ang kanyang harapan at sinabing: "Sorry. Di ako easy."

At lumabas ako't iniwan siya. Ang isang beauty queen ay hindi loose. Hindi easy.

Thursday, June 7, 2007

Zozzie Moh II

Ang lamig sa loob ng sinehan. Mangilan-ngilan ang naroon. Sa harap namin ay may magnobyo. Magnobyo kasi pareho naman silang lalaki. Sa totoo lang, ayaw ko yong palabas. Nakakatakot kasi. Turistas. Napanood ko ang trailer nito sa cable. hiwaan ang drama kaya inihanda ko na aking sarili na matakot.

Mukha namang nag-eenjoy si Ram sa ginagawang kababuyan nong Brazilian doctor na yon. Ako, silent lang. Pangiti-ngiti habang nakahawak sa braso ni Ram.

Kanina, si Ram ang nagpresenta na bumili ng pop corn at softdrink. Syempre, pera ko. Siya lang bumili. Wala akong barya non palibhasa ako na rin kasi ang nagbayad sa ticket niya sa bus. Tumanggi naman ito, in Fernalou Blanco ha, pero nag-insist na po. Baka isipin pa niya na wala akong galang, diba? Ang sabi nga nila, likas tayong mga Pilipino sa pagiging mapagbigay.

At dahil wala naubos ang barya ko, P500 ang binigay ko kay Ram. Naupo ako sa bench habang bumibili siya sa popcorn station. Maya-maya pa, habang binabasa ko ang article tungkol sa nanggagalit na puke ni Britney Spears ay bumalik si Ram, walang dala. Pawisan. Namumutla.

"Hi," sabi niya.
"Yes. Bakit?" sagot ko habang titig na titig sa bukol nito sa kanyang crotch. "Nasan na ang popcorn?"
"Kasi...nawala ko ang money. Nahulog yata ng hindi ko namamalayan," pautal-utal na wika nito. "Sorry talaga ha. di bale, babayaran ko na lang yon pag nagkapera ako."

Syempre hindi ko alam kung anong sasabihin at maramramdaman. Diyos ko naman, ilang makalyong paa at kamay at sangkatutak na pakikipagplastikan at binuno ko para lamang magka-P500 pero winala lang ng cute hunk na ito!

"Ok lang yon. May P500 pa ako rito na isa. Samahan na lang kita para hindi na uli ito mawala...ikaw naman, don't worry. It's ok talaga...walang problem sa akin. Promise," sabi ko.
"Talaga?" tanong niya habang nakangiti sa akin.
"Yes. Promise. Mader, pader die," sagot ko.

Habang naglalakad kami papuntang popcorn station, hinawakan ni Ram ang kamay ko. Nahiya ako ng konte kasi ang dami kayang tao don sa mall. Tapos, biglang huminto si Ram, few meters away from the popcorn station.

Hinarap niya ako sabay tanong ng: "Ano na nga uli name mo?"

About me

  • I'm Bakla Sa Banga
  • From
My profile

Links

  • Google
  • Templates
  • Wikipedia
  • las tres estrellas
  • makoy